Sana'y hindi na lang pinilit pa wala ring patutunguhan kahit sabihin ko pang mahal kita nalulungkot,nayayamot,nagmumukmok hindi ko pa yata kaya pang labanan ang damdamin ko.. Sayonara... Adrian Ryan Medina of BSN 2-6... now signing off ..


Saturday, January 05, 2008
36hrs..

Ayos tapos na ang aking 21th birthday.. XD
Masaya na magulo na ewan na hindi ko alam ang gagawin ko..

Kwento ko na lang para naman maalala ko kahit papaano ang history ng aking 21th bday.. History para sakin ang mga nangyari nung araw na yun..

Enero kwatro, Dawalangliong apat na taon..

Inabot ako ng aking kaarawan sa loob ng star city..
Pero lumabas din agad ako dahil may meteor shower daw ng gabing iyon..
Maulap naman sa labas..
Naghintay na lang ako umuwi..

Dumaan kami sa edsa, tanaw pa din ang sunog na galing sa baclaran..
Pumunta kami ng villamor airbase, ay malapit lang pala..
Nakita ko ang NAIA 3, nakatiwangwang pa din..
Umuwi na kami..

Dumaan ako ng jolibee..
Bumili ng 10 B3..
Take out..
Blow out ko sa mga pinsan ko..

Pagdating sa bahay..
May sakit ang kapatid ko..
Hindi na din ako nakapagpahinga..
Pumunta na kami sa ER ng MCI..

Naconfine ang kapatid ko..
2hrs kami dun at napadpad kami sa ward..
Mainit sa ward, sira ang aircon..
Hindi ako nakatulog..

Masakit na ang katawan ko..
Kakapunas sa aking kapatid,
Pero hindi naman bumababa ang lagnat..
Kawawang ryan.. Pagod lang..

Alas dose na ng tanghali..
Wala pa din ang pediatrician..
Sino ang tumingin sa kapatid ko..
Surgeon na lang..

Ang mga nurse..
Lunod ako sa health teaching..
Tsaka sa i rerefer na lang daw nila..
Naka uwi na ako, wala pang doctor na tumingin bukod dun sa pinsan kong surgeon..

Yes.. kala ko may my pldt dsl na kami..
Aba.. wala pa din..
Bili daw ako lan card..
Bawas pera na naman..

May ice cream.. 2 gallon..
Hindi ko naman kaya ubusin..
Hala sige.. Nagyaya ako "Magdala ng baso, libre ang ice cream"
Walang pumunta..

Naiwan ako sa bahay..
Natulog..
1.. 2.. 5.. 10mins..
Nagigising pa din ako..
Bumangon na lang..

Kala ko wala ng misa..
Pero meron pa pala..
Mabuti naman..
Nakapag pasalamat ako..

Pagbalik..
Wala pa din..
Ako pa din mag isa..
Kumain na lang..

Mamaya - maya..
Dumating ang pinsan ko..
Kwentuhan na lang..
Hanggang dumating na din ang iba..

Kain ulit..
Chicken joy..
Bago matapos ang masaya kong bday..
Kahit hindi ko siya nakausap..

Nasa ospital na naman ako..
Bitbit ang mga gamit..
Tapos na ang bday ko..
Salamat sa isang araw na makabuluhan..


Weee.. Salamat kahit magulo na hindi ko maintindihan..

Sana may makabasa kahit walang kwenta..

Godbless..

Posted at 02:16 pm by NairdA cno ka ba?!
Comment (1)  




Wednesday, January 02, 2008
Bagong taon

Bagong taon!
Bagong buhay sabi ng iba!

Panahon din para mag new year's resolution..
Ang walang katapusang resolution simula pagkabata..
Wahahah..

Yun lang..
Wahaha..

Para ma update lang..
Wahahah..

Malapit na pala birthday ko..
Pfftt.. tumanda na naman ako.. Wahahah..

Godbless..

Posted at 10:49 pm by NairdA cno ka ba?!
May reklamo??  




Friday, December 28, 2007
Gulay....

Ayos.. Tapos na din ang christmas day.. Pero hindi pa tapos ang christmas season..
Matatapos na ang bakasyon, at hindi ko pa na rerewrite ang mga notes ko sa nursing audit o nursing review..
Bukas ay debut ng pinsan ko, wala pa akong naitutulong.. Wahaha..

Mahina ang pasko ko ngayon..
Kaunti ang regalo, kaunti ang napamaskuha..
At isa pa.. Wala akong boses ng 23-25 kaya hindi ako makapang asar..
Wahahaha..

Nung sumakay nga ako ng jeep.. Nagbayad ako ng 10.00 at ang pamasahe ay 7.50..
Dahil sa walang barya ang manong driver, nakalimutan na din ang sukli ko..
Hindi ko naman masabi dahil wala nga akong boses..
Nung pumara pa sa jeep.. Todo sigaw na ako pero wala pa din..
Pinitik ko na lang ang taas ng jeep tulad nung ginagawa nung iba..
Sumakit ang daliri ko...

Masyado akong na aadik ngayon sa maliliit na kotse.. Yung diecast na pang display..
Meron din ako nung sa shell. pero kulang pa ng enzo at f1.. Badtrip..
Pero meron akong f50 na diecast.. Wahahaha..
Dalawa na ang f50 ko sa bahay..

At ngayong nga... Nagjamming kami sa studio..
Ayos naman.. Dalawang kanta na paulit ulit...
Spolarium at Sundo ng imago..
Ayos na para sa unang jamming... XD

Yehey..
Nag drive ako sa las piñas..
at nung pabalik na kami..
Haginit na ako mabangga ng trailer truck..
Buti na lang at umilag ako..
Wahahaha..

Yoko na magpasaway sa daan..
Haha..


Ngayon na lang ulit naka pag update..
Busy na eh..


Godbless..

Posted at 10:23 pm by NairdA cno ka ba?!
May reklamo??  




Tuesday, November 20, 2007
Halo halong storya..

Sa wakas, nakatatlong linggo na din kami sa community..
Mga dalawang linggo na lang at matatapos na ang duty namin sa community..
Matatapos na din ang mga araw na nag biyahe-biyahe ako ng cavite-muntinlupa..
Bukod sa nakakapagod ay napakagastos pa sa pamasahe..

Kung sakaling magtipid naman ako..
Kailangan ko pang umikot ng zapote..
Masyado ng nakakapagod yun..
Isang beses ko lang naranasan, pero ayoko na ulitin..
Pag nag van ako.. 6:00pm pa lang nasa bahay na ako..
Pag nag zapote.. 8:00pm..
Sa loob ng 2 oras, sapat na yun para makapag pahinga..

Malapit na ang nursing audit namin.. o nursing review..
Pero hindi pa ako nag-aaral..
Hindi sa tinatamad ako mag-aral, nakakapagod lang ang ginagawa araw araw..

Yey! Tapos na ako mag leader sa isang grupo..
Nakakapagod pala, lalo na kung puro reklamo ang mga ka grupo..
Ako na daw ang mag desisyon, pero pag ginawa ko na..
Reklamo ang abot ko.. para san pa.. "........."

Nursing week namin..
Nung lumipat ako ng uphs-d..
Parang wala lang ang nursing week sakin..
Dahil wala din namang ginagawa, ang maganda lang walang pasok..

Pero isipin natin..
Bayad ang bawat klase natin sa ating school..
Sayang din naman yun.. wahahaha..
Parang ang bait ko e no..

Nag jamming kami last week..
Ano ang comment ko..
Walang kwenta, walang kwenta..
Maganda pa ang praktis sa bahay namin..


Naiiwasan ko ng mag computer na paumagahan..
Mag ragnarok every tuesday thursday at saturday..
Pero hindi na ako nakakapag simba.. amp..

May sira ata ang blogdrive..
Wala lang...

Yun lang..


Godbless..

Posted at 06:55 pm by NairdA cno ka ba?!
May reklamo??  




Previous Page Next Page




Libre mag iwan ng comment.. Salamat..













<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

Sunset/March9/2007



^[B]SN 2-6 04-05 bloggers^


Keo

Rongie

Margaux

Josie

Mines

Louwie

Dior

-[___________________]-


Other links..

Hannie

Jm

Mae-noodle

Jennifer

Yasu

Charm

Kuya Ace

Rc

Dan

Zoe

Ms. Alhie


“ The strong will win and the weak shall die.” “The weak shall perish and the strong shall survive.”





Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed